Kabanata 87 Binalikan niya si Lucia sa kuwarto. Tulog na tulog pa rin ito. He sighs. Isinirado niya muli ang pinto at hinayaan na lamang itong magpahinga. Tinungo niya na lamang ang kusina at naghanap ng whiskey sa pantry. When he was there, a sudden strange feeling reminded him. Napatanong tuloy siya sa kanyang sarili kung may ginawa ba siya sa pantry sa kanyang office. Nailing na lamang siya at kumuha ng alak. Nang lumabas siya ng pantry ay laking gulat niya nang makita si Lucia. "The heck! You've startled me!" bulalas niya. Muntik pa niyang mabitawan ang bote ng alak. Lucia look at her. Masama ang tingin nito sa kanya. "Are you sober up now?" tanong niya rito. "Nagugutom ako," sagot nito at naghila ng silya. Napatungo ito sa mesa. "Do you want me to cook something for yo