Kabanata 78 "Kanina ka pa ba?" tanong niya at humakbang na palapit sa mesa. Naghila siya ng isang silya at umupo rito. "Not so," nakangiting sagot naman nito. Tinitigan niyang mabuti si Laurenzo. Para kasing walang nangyari kagabi gayong may tampuhan sila sa isa't isa. Natapos na rin naman si Laurenzo at lumapit na ito sa mesa. Naghila ito ng silya at umupo sa kanang bahagi niya. "Lucia, this is my way of saying sorry to you about what happened last night. I cross the line and I hate to agree it but I did broke you. I made you cry and I'm so sorry for being so insensitive," mahabang wika nito. Tinitigan niya ito sa mga mata nito. Mukha namang maayos si Laurenzo. Hindi niya kasi maintindihan si Renzo kagabi. Sabi pa nga nito na may problema ito sa utak Bumuntong-hininga siya. "Apol