Kabanata 79 Gaya nga ng hiling niya ay dinala nga siya ni Jefferson sa port. Mabuti na lamang at maraming kapit itong si Jefferson. Pinayagan silang pumasok kahit saglit lang. Bumaba siya agad ng sasakyan at umupo siya sa dulo ng corridor. Hinubad niya ang kanyang sapatos at inilublob ang mga paa niya sa tubig. Mariin siyang napapikit. Nakakawala talaga ng stress ang simoy ng hangin sa dagat. Bigla namang may inabot si Jefferson sa kanya. Juice in can ito. "Salamat," aniya at nginitian si Jefferson. Umupo naman ito sa tabi niya pero sa kabilang bahagi ito nakatingin, hindi sa dagat. "Ma'am, are you having a tough time with sir Laurenzo?" biglang tanong sa kanya ni Jefferson. "Manghuhula ka ba Jefferson?" He smiles. "No but as I worked with Mr. Del Fuego for almost eight years.