Kabanata 99 KINABUKASAN ay parang lutang siyang nakatitig lamang sa kisame sa kanyang kuwarto. Nakahilata pa si Lucia sa kama at parang ayaw niya pang bumangon. Hindi kasi siya nakatulog ng maayos kagabi dahil sa kaka-isip sa nangyaring eksena kagabi. Sumasakit ang ulo niya. Daig niya pa yata ang parang may hangover gayong wala naman siyang ininom kagabi. Well, nilasing siya ni Laurenzo sa sarap. Iba naman iyon. Marahas siyang napabuga ng hangin. Bumangon na siya at bumaba sa kama pero bigla siyang nahilo. Sinapo niya ang kanyang noo. Mukhang may sinat yata siya. Huminga siya ng malalim. Ito na nga ang sinasabi niya. Sa sobrang stress niya, bigla-bigla tuloy siyang nagkakasakit. Pinilig niya ang kanyang ulo at dumiretso na sa banyo. Naligo pa rin siya kahit hindi maganda ang pakiramdam