Kabanata 98 Nang matapos siya sa pagkain ay iniligpit niya na ang mga ibang supot na wala nang laman. "Are you done already?" "Hmm? Oo, busog na ako. Saka baka gabihin pa ako lalo sa daan." "Jefferson and I will sent you home. Don't worry about it." "Hindi na. Okay na ako mag-commute." "No but's," tutol nito. Laglag ang kanyang mga balikat. Kapag ganito ay hindi niya na ito talaga matatanggihan. Tumahimik na lamang siya. Nang balingan niya ito ay tapos na rin ito sa pagkain. Lumapit siya rito at iniligpit ang pinagkainan nito. Umalis naman si Renzo at pumasok ito sa kuwarto nito. Sinundan niya ito ng tingin. Nakatitig lamang siya sa pinto ng kuwarto nito. Laglag ang kanyang mga balikat. Nakagat niya ang kanyang ibabang labi. She was mad and upset for herself. Gusto niyang