“Are you okay?” tanong sa kanya ni Liam nang humigpit lalo ang kapit niya sa braso ng asawa. Tinamaan yata siya agad sa isang basong alak. Hindi kasi siya sanay uminom, kaya may tama na agad. “Yeah,” taas-mukhang sagot niya. “See you around, Liam,” paalam naman ni Irene sa asawa niya. Hindi nakaligtas sa kanya ang paghaplos nito sa braso ni Liam. Ngumiti pa si Liam na tila nagustuhan ang paghaplos ni Irene sa braso nito. Inikot na lang niya ang mga mata. Hindi dapat siya magpahalatang naiinis siya kay Irene, baka isipin ni Liam nagseselos siya. Teka, nagseselos ba siya? Tanong niya sa sarili saka iniling ang ulo. “Akin na nga ‘yan!” inis na hinila ni Liam ang pulang baso sa kanya. Nagulat pa ito nang wala na palang laman. “Inubos mo?” gulat na tanong nito sa kanya. Nagtaas lang si

