Malakas n'yang tinulak si Liam palayo sa kanya. "How dare you Liam?!" Nanggagalaiting sa galit na sabi n'ya. Saka lumingon sa paligid. Maraming mga matang nakatingin sa kanila. Nais man sampalin ang asawa, hindi n'ya nagawa. "I hate you!" Mariing sabi n'ya. Saka mabilis na naglakad palayo rito. "Bianca," tawag nito sa pangalan n'ya. Saka ito sumunod sa kanya. Naiinis s'ya sa asawa sa ginawa nitong pagmamando sa kanya sa harap ng mga kaibigan n'ya. Isama pa ang halik nito sa kanya na kauna-unahang bawal sa pagsasama nila. "Come here," sabi nito, sabay hila sa braso n'ya. "Bitiwan mo ko Liam!" "Not this time," seryosong sagot nito. Kahit anong pagpupumiglas n'ya hindi s'ya nito binitiwan. Kaya naman wala s'yang choice kaya sumunod na lang sa asawa. Kesa sa gumawa ng eksena sa harap