Kinabukasan pagdating sa opisina nadatnan n'ya si Bernard sa loob ng opisina n'ya. Na late ang dating n'ya, dahil inihatid pa n'ya sa San Miguel University ang asawa. "Good morning, Liam," seryoso ang mukha ni Bernard. Ito ang unang paghaharap nila ni Bernard mula ng ipakilala n'yang asawa si Bianca sa mga ito. Hindi pa n'ya alam noon na ama ni Bianca si Bernard. "Good morning. Napadaan ka?" Tanong n'ya at naupo sa sofa kaharap ito. "Kasama ko ang Ate Asena mo, lumabas lang saglit," malungkot na sagot nito. "Liam, nais din kitang makausap about Bianca," seryosong sabi nito. "Ano 'yon?" Tanong n'ya. Medyo kinakabahan s'ya. Kung anu-ano ang naiisip na baka paghiwalayin sila ni Bernard. Hindi s'ya papayag. Asawa na n'ya si Bianca. Si Bianca ang mag dedesisyon para sa sarili nito, kung