"Bakit hindi mo pa lapitan, kesa sa nagkakanda haba-haba 'yang leeg mo sa kakatingin sa kany!" Nahimigan n'ya ang inis sa tono ng asawa. Sinulyapan n'ya ito. Nakasimangot ito, habang tinutusok-tusok nito ang pagkaing nasa mesa. "Kaibigan s'ya ni Ate Asena. And we used to be friends na rin," sabi n'ya. Habang hindi inaalis sa cute na mukha ng asawa ang mga mata. Mukha kasi itong nagseselos na ewan. At ang cute nitong tignan. "Ang tanda na kinaibigan mo pa," nakasimangot pa ring sagot nito. "Wala naman masama doon," "Masama kung friends with benefits," taaa kilay na sabi nito. Ngumiti s'ya. Ganito ang mukha at tono ng mga babaing nagseselos. So ano nagseselos ang asawa kay Irene. "Walang masama kung single naman kayo pareho," "So naging kayo ganon?" "No, but we share something s