Matapos maiayos sa mesa ang dinner nila ni Bianca. Akmang susunod na s'ya sa bathroom para sabayan ang asawa sa pag ligo ng biglang may kumatok sa pintuan ng suit nila. Sinulyapan n'ya ang pagkain sa mesa. Kumpleto na rin naman. Naisip na lang n'yang baka may nakalimutan pang i bigay ang waiter. "Hi, Liam," bungad sa kanya ni Irene. Bumuntong hininga s'ya. Bago pa makapasok sa loob ng suit nila ito ay nahila na n'ya ito sa braso at tinulak it palabas ng suit. Hindi magugustuhan ng asawa kung makikita nito si Irene. Masisira ang gabi nila kung makikita ng asawa si Irene, tiyak na mag-aaway sila. Nais n'yang iwasan ang mag-away sila ng asawa. Lalo na ngayong nagsisimula na ang magandang samahan nila. "What the hell are you doing here Irene?" Pigil ang boses baka kasi marinig ng asaw