"Anong sinabi mo?!" nanlalaking mga matang tanong niya sa asawa. Hindi alintana ang nakahubad na katawan sa harapan nito. "Bianca, I love you and I respect you big time," seryosong sagot nito sa kanya. "I can't f*ck you. Because I want to make love to you," dagdag nito. "Wh why?" lumabas sa bibig niya nang hindi namamalayan. Lalo namang lumakas ang kabog ng dibdib niya sa sinabi ng asawa. "I don't know. Do I need a reason to love you?" Liam asked. Hindi niya alam. Dahil siya man, sarili niya, hindi niya alam kung ano ang dahilan bakit mahal niya ang asawa. Basta yon ang nararamdaman niya. Mahal niya ang asawa at takot siyang mawala ito sa kanya. Kaya nga nagawa niyang saktan si Irene kanina dahil sa matinding selos at galit na naramdaman nang makita ang asawa na kahalikan an

