"Hintayin mo ko mamaya. Susunduin kita. Tawagan mo ko agad, pag malapit ka ng lumabas," bilin ni Liam sa kanya. Inikot n'ya ang mga mata. Kung pagbilinan kasi s'ya nito ay parang s'yang bata. Alam naman na n'ya ang gagawin. "Bianca!" Inis na tawag nito sa kanya. Hindi kasi s'ya sumasagot. "I know what to do ok!" Inis na sabi n'ya. At inayos ang mga gamit para makababa na. "Call me if you need anything," "Liam I am twenty years old. And this is not my first day of school!" Inis sa sagot n'ya. At mabilis ng bumaba ng mamahaling kotse ng asawa na naka park mismo sa harapan ng gate ng school. Pagbaba n'ya, maraming mga mata ang nakatingin sa kanya. Mayayaman ang halos nag-aaral sa unibersidad. Kaya agaw atensyon ang kotse ang ni Liam na panigurado n'yang iilan lang ang may ganoong model