Nauna s'yang bumangon kay Bianca. Halos buong gabi s'yang hindi nakatulog, dahil katabi n'ya ang asawa at ni hindi man ito mahawakan. Buti pa nga ang asawa nakatulog, samantala s'yang buong gabi yata s'yang dilat. Nagawa pa nga n'yang pagmasdan ang napakagandang asawa. Hindi pa nangyari ang honeymoon nila dahil hinimatay ang asawa sa pagod at stress na paniguradong s'ya ang may gawa. Nakaramdam din s'ya ng awa sa asawa. Lalo na't nakita n'ya itong umiiyak. Wala s'yang ibang nais kundi protektahan si Bianca. Iayo ito sa dating gawain at imumulat ang asawa sa tamang landas. Wala s'yang pakialam kung ano ang nakaraan ng asawa. Basta iisa ang nasa isip n'ya ang maprotektahan ang asawa mula ngayon. Wala namang ibang gagawa ng bagay na 'yon para rito, kundi s'ya. Lumabas s'ya para mag joggin