"Kailangan ba nating magsama sa iisang kama?" Tanong n'ya ng pumasok sila sa silid ni Liam. Matapos n'yang lumabas sa ospital deretso na silang umuwi ni Liam sa bahay nito. "We're married," sagot nito. "I know," sagot n'ya. Lumakad s'ya papasok sa loob ng silid ni Liam. Minsan na s'yang nakarating sa silid na ito ni Liam. Dito nga yata s'ya unang hinalikan nito. Humugot s'ya ng malalim na paghinga. At saka nagsimulang maghubad ng suot na damit. "Liam," tawag n'ya sa asawa. Kumunot ang noo nito ng makita ang ginagawa n'yang paghuhubad. "What are you doing?!" Tanong nito. Habang nakatingin sa ginagawa n'ya. Una n'yang hinubad ang damit pang itaas. Hinagis 'yon sa sahig. Sumunod ang suot na pantalon. Hindi nakaligtas sa kanya ang paglunok nito. "Bianca? What the hell are you doing?