Pagdating sa bahay, nagtatakbo siya papasok habang umiiyak. "Ma'am, Bianca ipag-" Nabitin sa ere ang pagtatanong ng kasambahay sa kanya nang makita siyang umiiyak. Sinulyapan lang niya ito at nagtatakbo paakyat ng hagdan. Nasasaktan siya at natatakot sa magiging desisyon ng asawa. Paano kung tuluyang magpalason si Liam kay Irene? Hindi malabong mangyari 'yon. Nakita naman niya kung ano ang kaya at kayang isakripisyo ni Liam para sa kapatid nito. At kung bibitawan siya ni Liam para sa kapakanan ni Asena, wala siyang magagawa. Kung nasaan sila ni Liam ngayon, lahat 'yon dahil kay Asena. Padapa siyang nag-iiyak. Masyado siyang emosyonal at nadadala sa mga nangyayari. Hindi siya makapag-isip ng tamang gagawin. Pero iisa lang ang nararamdaman niya. Takot. Takot

