"Ipapasundo kita sa driver mamaya paglabas mo ng school. Dederetso pa kasi ako sa ospital," sabi ng asawa sa kanya nang ihatid siya nito sa campus kinabukasan. "Pwede bang sumama na lang ako sa ospital?" tanong niya sa asawa. "Huwag na muna siguro ngayon. Hindi pa kasi maganda ang kalagayan ni Ate Asena," sagot ng asawa sa kanya. "Ah, eh," natigilan siya. Ayaw siyang isama ni Liam sa ospital. Dahil ba ayaw nitong makita siya ni Asena? Nakokonsensya na ba ang asawa na iharap siya sa kapatid nito, dahil siya ang anak sa pagkabinata ng asawa ng kapatid nito? "Si Manong Berting na ang bahala sa'yo mamaya. Pagbibilinan ko na lang siya," sabi nito. Saka bumaba sa driver seat para pagbuksan siya ng pintuan. Hindi niya maiwasang makaramdam ng lungkot. Nararamdaman niya ang pan

