Kinabukasan maaga silang umalis ni Liam para magtungo sa isla kung saan sila magha-honeymoon. Hindi nila ginamit ang yate ni Liam kung saan siya kinulong nito noon. Nagpa-reserve na daw kasi ang Ate Asena nito ng gagamitin nilang yate pagdating sa isla. Hindi naman siya pwedeng hindi sumama kay Liam, dahil paniguradong magtataka ang Daddy niya. Ayaw niyang makahalata ang Daddy niya sa sitwasyon nilang mag-asawa. Isa pa, mas okay na rin ang makapamasyal sila ni Liam para maiwasan muna si Irene. Sunod ito nang sunod sa kanila. Huwag lang sana pati sa isla masundan sila ni Irene. Pag nangyari ‘yon, hindi na siya makakapagpigil pa at masasabunutan na talaga niya si Irene. Masyadong obsessed ito sa asawa niya. Hindi naman niya masisisi si Irene. Ang gwapo kaya ng asawa niya. Pagdating sa isl

