Hindi niya namamalayan na gumaganti na pala siya ng halik sa asawa, habang nakapikit ang mga mata. Nasa bewang niya ang isang kamay ng asawa, at isa naman ang nakahawak sa baba niya. Nararamdaman na rin niya ang init na gumagapang pababa sa katawan niya. Hindi na rin niya napigilan ang mapaungol habang sakop pa rin ng asawa ang mga labi niya. “Hhhhmm,” ungol niya. Patuloy sila sa mainit na paghahalikan. Ramdam niya ang kasabikan sa bawat galaw ng mga labi ng asawa, at ganoon din siya. Kung alam lang niyang ganito pala katamis ang totoong halik ng asawa sa kanya, di sana dati pa siya bumigay. “Ma’am, ayaw po magpa-istorbo ni Sir Liam,” tinig na narinig niya. Kasunod ang paglaya ng mga labi niya mula sa labi ng asawa. Nagbukas siya ng mga mata. Nakita niyang nalipat ang atensyon ng as

