Matapos makausap si Liam, nagdesisyon siyang sa condo na muna umuwi. May mga naiwan pa naman siyang gamit doon. Kailangan muna niyang mapag-isa. Sinabi niya sa asawa na uuwi siya sa bahay nila kapag handa na siya. Sa ngayon, hayaan muna siya nitong mag-isa. Syempre hindi pumayag si Liam. Nagpipilit pa itong sunduin siya. Kaya binaba na lang niya ang tawag. Kapag medyo kalmado na siya, saka siya uuwi sa bahay nila. Sa ngayon hahayaan muna niyang mailabas lahat ng luha at sama ng loob. Para pag humarap siya kay Liam, okay na siya. At kaya na niyang sabihin kung gaano niya talaga kamahal ito sa harap nito. Pagdating sa condo, ang Daddy niya naman ang tumatawag. Hindi niya sana sasagutin. Paniguradong itatanong lang ng ama kung nasaan siya dahil hinahanap siya ni Liam. "Hello, Dad,

