Kanina pa tumatawag sa kanya si Liam. Minabuti na muna niyang huwag sagutin ang tawag ng asawa. Nais muna niyang mapag-isa at makapag-isip ng tamang gagawin. Although buo sa isip niyang hindi niya iiwan si Liam kahit anong mangyari. Mahal na mahal niya ang asawa. Kahit masakit na at nasasaktan na siya, titiisin niya. Ganon naman talaga pag mahal mo ang isang tao. Lahat titiisin mo. Naglakad-lakad siya sa San Miguel Park. Marami ring mga naglalakad na magkakapamilya, barkada, at may mga couples din na sweet na sweet. Hindi niya tuloy maiwasang makaramdam ng inggit. Kung sana kasama niya si Liam ngayon na naglalakad sa park, di sana masaya siya. Humugot siya ng malalim na paghinga at naupo sa may upuang bato na nakaharap sa karagatan ng San Miguel. Tumitig siya sa kadili

