Makalipas ang dalawang araw, naghahanda silang mag-asawa para sa isang special dinner sa bahay ni Asena. Mula nang malaman ni Asena ang totoong relasyon nila, hindi pa sila nito nagkakaharap. Ang Daddy naman niya, tinatawag-tawagan siya nito para kumustahin. Busy din kasi ang ama sa trabaho nito sa hardware. "Ready?" nakangiting tanong ni Liam sa kanya nang lapitan siya sa may tokador. Tapos na siyang magbihis. Nag-aayos na lang siya ng buhok at naglalagay ng kaunting make-up. "Almost done," sagot niya sa asawa. Napapikit siya nang ipatong ng asawa ang mga kamay sa balikat niya. Bahagya lang dumikit sa kanya ang asawa, nag-iinit na siya agad. Kahit halos hindi naman sila tumitigil sa pagtatalik. Sinusulit na kasi nila habang maliit pa ang tiyan niya. Dahil pag lumaki na, kailan

