Makalipas ang tatlong linggo, naayos na ang lahat ng kailangan nila ni Liam para sa engrandeng kasal nila sa malaking simbahan ng San Miguel. Inimbita ng Daddy niya ang mga taong naging katuwang nito sa pagpapalaki sa kanya noong nasa dati pa silang tinirhan. Nais ng ama na ipaalam sa mga ito na naging maganda ang buhay niya. Kahit todo hirap sila noon. Sinabi rin ng ama kung gaano ito ka-proud sa kanya. Kahit buntis na siya at magpapakasal, ipagpapatuloy pa rin naman niya ang pag-aaral. Pagsusumikapan pa rin niyang maka-graduate kahit buntis na siya. Ilang buwan na lang naman at maka-graduate na siya. At napag-usapan na rin nila ni Liam 'yon. Magtatrabaho siya pag lumaki na ang anak nila. Tutulong siya sa pagpapalago ng negosyo ng asawa. At ito na ang araw na matagal na niyang hin

