Kinabukasan pagpasok niya sa school, hindi niya nakita si Rodney. Naisip niyang hindi ito pumasok o iniiwasan na siya. Ganoon din sina Hazel at Stacey. Iniiwasan na rin siya ng mga ito. Wala na rin naman siyang balak makipag-plastikan pa sa mga ito. Ilang buwan na lang at makakagraduate na rin siya. Maghihiwalay-hiwalay na rin sila. Sa dami ng mga nangyayari sa kanya, nakalimutan na tuloy niyang paghandaan ang future niya. Kung ano ang gagawin niya pagkagraduate niya, lalo na ngayong may asawa na siya. Lunch break na nila at balak na lang niyang magkape sa malapit na coffee shop nang tumunog ang cellphone niya. Natigilan siya nang mabasa ang pamilyar na numero. “Dad,” mabilis na sagot niya sa tawag. Hindi nga siya nagkamali. Ang Daddy niya ang tumatawag. Matagal na rin mula nang hul

