~Hunyo 19, 1890~ San Nicolas Ngayon ay unti-unting tumigil ang kalesang sinasakyan ng Don Valentino at ni Senyor Santiago sa tapat ng kanilang mansyon. Agad silang sinalubong ng mga kasambahay kasama si Manang Corazon. “Santiago, pumaroon ka sa kwarto ni Felimona at sabihin sa kaniya na maghanda para bukas sa kanilang pagkikita ng Senyor Fidel,” ani ng Don Valentino sa kaniyang anak na siya rin naman ngang narinig ni Manang Corazon dahilan upang agad siyang magpresinta na samahan ang Senyor Santiago. “Senyor Santiago, samahan ko na po kayo sa itaas.” At ngayon ngay walang pag-aalangang pumayag si Santiago na siya na ring sinundan ng matanda paakyat ng bahay. At nang malapit na nga sila sa kwarto ni Felimona ay iniharang nga ngayon ng matanda ang sarili sa daraanan ng senyor. “Senyor,