~1950~ "S—sino ka?" tanong ni Amalia kay Python na halos mawalan nga ng balanse dahil sa gulat. “Kanina ka pa ba nandito ginoo?” "Ah, k—kasi," tarantang sagot ni Python ngunit agad din lang siyang napahinto at napakamot sa ulo dahil ni hindi niya alam kung anong isasagot niya sa mga katanungan ni Amalia at tila naistatwa nga siya ngayon sa kinatatayuan dahil sa gulat. "Ngayon lang ata kita nakita rito ginoo? Kakalipat niyo lang ba rito sa San Nicolas?" sunod-sunod na tanong ni Amalia na ngayon ngay dahan-dahan nang naglalakad palapit sa kinatatayuan ni Python. "O—oo! Kakalipat lang namin dito kahapon," mabilisang sagot ni Python na ngayon ay pasimpleng umaatras para lumayo sa batang babae. "Ako nga pala si Amalia Elizabeth de Ayala. Ikaw, anong pangalan mo?" pagpapakilala ni Amalia sa