~Hulyo 17, 1890~ “Ate Felimona, mukhang ito na po ang lugar” saad ni Eeya na nakita ngang nasa lugar na sila kung nasaan naroon ang nadedetect ng locator niya. At kasalukuyang nagtatago nga sila ngayon sa likod ng malaking puno na kung saan ay katapat ang lumang malaking bahay na siyang itinuturo ng locator kung saan naroon ngayon si Fidel. “Teka, pagmamay-ari ito ng mga Tuason ah” gulat ngang saad ni Amalia dahilan para mamukhaan din nga ni Armando ang lugar. At nakumpirma nga niyang tunay ngang pagmamay-ari ng pamilya nila ito. Pero halos sabay ngang magtago ang tatlo nang biglang may lumabas mula sa bahay. Pero si Eeya ay hindi pa rin nagpatinag at nagawa pa ring sumilip at halos maglakihan nga ang mata nito nang makita ang pamilyar na kasuotan ng lumabas na tauhan. “A—- armando, ‘