Unang Bahagi: Kabanata 64

3112 Words

~Hulyo 17, 1890~ “Ate Felimona, saan na po tayo pupunta ngayon?” nagtatakang tanong ni Eeya dahilan para tumigil nga saglit si Felimona sa paglalakad na ngayon ay tila nag-iisip kung saan nga sila maaaring manatili pansamantala. Kasalukuyan silang naglalakad ngayon sa sentro o pamilihan ng bayan ng San Felipe at marami ngang tao ngayon sa pamilihan na siyang abala sa pamimili at pakikisosyo. “Sa totoo niyan ay hindi ko rin alam kung saan na ba tayo mananatili ngayon sapagkat wala akong masyadong kakilala rito sa San Felipe at hindi rin ako pamilyar sa mga pasikot-sikot dito,” tugon ni Felimona na ngayon ngay inilibot ang kaniyang tingin sa paligid at nagbabakasakali ngang may makilala rito. “Paano na po niyan Ate Felimona?” tanong nga ni Armando na napakamot ng kaniyang ulo at inilibot

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD