~Hulyo 17, 1890~ Pagkapasok na pagkapasok pa lamang ni Felimona sa loob ng parola ay agaran na itong pumunta sa ikalawang palapag upang ibaba ang nakataling bisikleta. Pero bago pa man ito bumaba ay saglitan siyang sumilip sa bintana upang tignan kung saan na ba banda ang kaniyang ama at ang mga tauhan nito. At nang makitang malapit na ang mga ito sa parola ay dali-dali siyang bumaba at tinanggal na nga sa pagkakatali ang bisikleta. “Prisa, prisa, prisa (Hurry, hurry, hurry)” usal ni Felimona sa kaniyang sarili habang nagmamadali ngang kargahan na ng gasolina ang bisikletang de motor. Nang marinig niya ang sunod-sunod na yapak ng kabayo ay agad niyang tinapon ang bote ng gasolina at nagmadali ngang tumakbo palabas na ng parola habang hila-hila ang bisikleta. “P—prisa,” nauutal niyang