~Hulyo 16, 1950~ “Buhay kayo? At Hepe Cruz, anong ginagawa niyo rito? Mga tauhan po ba kayo ng Don? Narito ba kayo para kami naman ang patayin niyo?” sunod-sunod na tanong ni Python na ngayon pa ngay hinila palayo si Amalia sa kaniyang papá. “Python, huminahon ka,” pigil ni Carlos sa kaniya sapagkat tarantang-taranta nga ito ngayon. “Python,” tawag sa kaniya ni Amalia sapagkat patuloy pa rin nga itong umiiling na tandang ayaw niya paniwalaan kung ano mang sasabihin ng mga taong nakasuot ngayon ng balabal. “Hindi kami kalaban Python at lalong hindi kami tauhan ng Don,” saad ni Hepe Cruz na ngayon ngay palapit na sa batang lalaki. Ngunit patuloy pa rin ngang umiling ito na tanda na ayaw nga niyang maniwala sa mga pinagsasasabi nila. “Eh, ano ‘yong sinabi nila Eeya at Armando na kayo ni