~Hunyo 21, 1890~ Daungan- San Nicolas “Discúlpame, (Paumanhin ho)” saad ngayon ni Fidel sa isang matanda ngang kapwa niya ay may hawak ding hanbag at mukhang kapwa niya rin ngang nag-aantay ng pagdaong ng barko. “Dito po ba dadaong ang barko papunta sa Europa?” Tumango nga ang matanda bilang sagot sa kaniya na siyang dahilan para mapasinghap siya ngayon kasunod ng pagpunas niya ng mga butil ng pawis sa kaniyang noo dala ng pagod niya sa pagpepedal ng bisikleta na kasalukuyang hawak-hawak nga niya ngayon. Makalipas ang bente minutos ay natigilan ang mga taong nag-aantay sa daungan nang marinig ang pagdating ng malaking barko. Dahilan ito upang mapangiti ngayon ng pagkalaki-laki si Fidel at muli na ngang kinuha ang hanbag niya na kanina ay inilapag lang muna niya sa sahig. “Señores, po