~Hulyo 15, 1890~ “Maiwan muna namin kayong dalawa rito ha,” ani Santiago. “Huwag kayong mag-alala dahil hindi kayo matatagpuan ng aming ama rito. At isa pa, maaari niyo naman kaming tawagan ni Kuya Tiago kung sakaling may mangyari mang masama gamit ito,” patuloy ni Felimona sa pagpapaalam ni Santiago sabay lakad at kuha ng isang kakaibang bagay na tila ba isang telepono ngunit kakaiba ang hugis nito kaya’t hindi mawari ng dalawa na telepono nga ito. “A—ano po ito?” nagtatakang tanong ni Armando na ngayon ngay hawak-hawak na ang telepono. Samantalang si Eeya naman ay nakatitig dito at tila unti-unting pumapasok sa isip niya kung ano nga ba ang bagay na ito. “Ito ang kauna-unahang telepono sa buong mundo na siyang inimbento ni Antonio Meucci,” nanlalaking mga matang sambit ni Eeya na nga