Unang Bahagi: Kabanata 52

2268 Words

~Hulyo 16, 1950~ “Amalia, ayos ka na ba?” tanong ni Python na ngayon ngay kumawala na ng tuluyan sa pagkakayakap ni Amalia. Unti-unti ngang ngumiti at tumango si Amalia bilang tugon dahilan upang mapabuntong hininga at mapatango si Python. “Buksan mo na ang pintuan Python,” ani Amalia dahilan upang humarap na rito si Python at unti-unti nang binuksan ang pinto. Bumungad sa dalawa si Mang Felipe na ngayon ngay nakaupo sa kaniyang kama at nakaharap sa pader na habang tila may kinakausap dito. Hindi naman na nag-alangan pang lumapit ang dalawa at dali-dali ngang naglakad patungo sa matanda. “Mang Felipe?” tawag ni Amalia sa matanda dahilan para unti-unting matigilan ito at marahang ibinaling ang tingin sa dalawa. Nang tuluyang makilala ang dalawa ay unti-unting nanlaki ang mga mata

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD