Unang Bahagi: Kabanata 56

2211 Words

~Hulyo 15, 1890~ “Mukhang inabot ka ata ng gabi dito binibining Felimona?” tanong ni Fidel nang mapansing natahimik ang dalaga nang magpakilala ito. “M—may pupuntahan pa ako. Patawad Ginoong Fidel ngunit kailangan ko nang umalis,” paalam ni Felimona na akmang aalis na nga nang hawakan ng binata ang pulso nito upang mapigilan. “Hindi mo man lang ba kukunin ang kabayo mo bago ka umalis?” tanong ni Fidel sabay turo sa kabayo ni Felimona na ngayon ay nakatali sa puno malapit sa kanila. Dahilan ito para agarang alisin ni Felimona ang pagkakahawak sa kaniya ni Fidel at walang pasubali ngang naglakad patungo sa kaniyang kabayo. “George, akala ko ay iniwan mo na ako. No vuelvas a hacer eso, ¿ah? (Huwag mo na ulit gagawin iyon ha?)” saad ni Felimona sa kabayo habang habang marahang hinihipo it

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD