~Hulyo 16, 1950~ “Python, mukhang wala ng humahabol sa atin,” utal kung sabihin ni Amalia na ngayon ay naghahabol ng hininga tulad ni Python habang kasalukuyan pa rin nga silang tumatakbo palayo sa pinangyarihan ng insidente. Unti-unting napatigil ang dalawa sa pagtakbo nang mapagtantong wala na ngang sumusunod sa kanila at medyo malayo-layo na rin sila mula rito. “S—sino siya? Sino ang matandang ‘yon?” nauutal na tanong ni Python habang dahan-dahan na inilalabas mula sa kaniyang bulsa ang sobreng iniabot sa kaniya ng matanda kanina. “Hindi ko rin alam Python ngunit niligtas niya tayo mula sa mga tauhan ng Don kanina kaya’t nasisiguro ko na kakampi natin siya,” sagot ni Amalia. “Eh, ‘yong isa sino siya?” tanong muli ni Python dahilan para unti-unting kumunot ang noo ni Amalia at tigna