~Hunyo 20, 1890~ “Senyora Felimona, kailan pa lumala ang sakit ni Dahlia?” Ngayon ay abala si Felimona sa pag-aalis ng tali ng kaniyang kabayo mula sa puno nang tanungin nga siya ni Fidel patungkol kay Dahlia. Buntong hiningang nilingon ni Felimona ang senyor na nasa kaniyang likuran. “Matapos ang araw na iwanan mo siya ay isinugod siya nila Don Enrico sa pagamutan dahil sa mabibigat at hirap niyang paghinga. At noong araw din ngang iyon ay halos kamuntikan na siyang namatay kung hindi lamang siya agarang naisugod sa pagamutan.” Dahilan nga ang mga impormasyong iyon upang saglitang matigilan si Fidel at tuluyang manumbalik si Felimona sa pag-alis ng pagkakatali ng kaniyang kabayo. “K—kung gayon ay ako ang siyang may kasalanan kung bakit lumala ang kaniyang karamdaman,” ani ni Fidel