~Hunyo 20, 1890~ “Felimona, bilisan mo at sumakay ka na,” nagmamadali nga ngayong sambit ni Fidel na siyang nauna nang sumakay sa kabayo samantalang palapit pa lamang ngayon si Felimona sa kaniya. At nang makasakay na si Felimona sa likuran ni Fidel ay nagmadali ngang patakbuhin ito ni Fidel na siyang dahilan para aksidenteng maisubsob si Felimona sa likuran ni Fidel dahilan upang manlaki ang mga mata nito at agad na mapaayos ng kaniyang pagkakaupo. “Ayos lamang kung humawak ka sa aking beywang Senyora dahil sa ilang sandali lamang ay mas bibilisan ko pa ang takbo sa kadahilanang nasa likuran lang natin ngayon ang mga gwardiya sibil.” At sa pagkakasabing-pagkakasabi nga non ni Fidel ay agaran ngang napatingin si Felimona sa kanilang likuran dahilan upang manlaki ang mga mata niya nang