Chapter 35: Rejected SERENITY VALENTINE'S P.O.V Ngayong araw ay panibagong araw na naman. Kagabi ay tinanong ako ni Bryce kung pwede niya ba akong igala bukas kaya naman pumayag ako. "Ivy, mauuna na kami ah? Tawagan ka na lang namin mamaya kapag uuwi na kami." paalam naman ni Bryce. Tumango lang si Ivy bilang sagot. At dahil siya lang naman ang maiiwan sa condo unit ay nagpasiya na lang si Ivy na ipagluluto niya kami mamayang gabi pag-uwi. Hindi ko naman alam kung saan kami pupunta ni Bryce dahil ang sabi niya lang sa akin ay surpresa daw kaya hindi ko maiwasang ma-excite at kabahan. Laking pasalamat ko pa rin dahil hindi ako masyadong nahirapan nitong mga nakaraang araw dahil sa sakit ko kaya naman ang nagpapahirap lang sa akin nun ay ang pagbubuntis ko. Pero hindi ko pa rin maiwas

