Chapter 36: Forgotten THIRD PERSON'S P.O.V Nang makauwi na si Serenity at Bryce ay napansin naman kaagad ni Ivy na parang nagkakailangan ang dalawa. Walang kaide-ideya si Ivy kung anong nangyari sa dalawa. "Bakit mukhang nagkakailangan kayong dalawa? May nangyari ba kanina nung nasa labas kayo?" tanong naman ni Ivy. Hindi naman nakasagot ang dalawa. Binalingan lang si Ivy ni Serenity, "punta na ako sa kwarto ko." Pagkatapos nun ay tinalikuran na ni Serenity ang dalawang kaibigan niya saka nagmamadaling pumasok sa kwarto niya. Nagkatinginan naman agad si Ivy at Bryce kaya walang ibang nagawa ang lalaki kundi ang mapabuntong-hininga. "Sabihin mo nga sa akin ang totoo, Bryce? May nangyari ba sa inyo ni Serenity? Bakit parang magka-away yata kayong dalawa?" prankang tanong naman ni Ivy k

