Chapter 53: Confrontations SERENITY VALENTINE'S P.O.V Nang makarating kami sa sala ay agad ko namang nakita si Mommy at Daddy na pababa pa lang ng hagdan galing second floor. Sunod-sunod din ang ginawa kong paglunok dahil napansin ko na seryoso at matalim ang mga mata nilang nakatingin sa akin. "Ano namang dahilan at nandito ka?" agad na tanong sa akin ni Mommy ng makarating na ito sa harapan ko. Sumunod naman si Daddy sa kanya at pareho silang naupo sa sofa. Habang ako naman ay nananatiling nakatayo dahil ayokong pati ang pag-upo ko ay mapansin nila. Napahawak ako nang mariin sa envelope na hawak ko at saka ako huminga nang malalim. "Didiretsahin ko na kayo, mom, dad. Gusto ko sanang hingiin ang tulong n'yo. Alam ko kasi na wala ng ibang makakatulong sa akin kundi kayo para mabawi ko

