Chapter 52: Idea SERENITY VALENTINE'S P.O.V Ilang araw na rin ang nakakalipas simula ng makalabas ako ng hospital. Kasalukuyan namang nasa condo ko kami nila Bryce at Ivy. "Wala pa rin bang balita?" hindi ko na napigilang tanungin si Bryce. Masyado na kasing akong naiinip. Simula ng sabihin ni Bryce sa akin na tuluyan ng bumagsak ang kumpanya ko ay hindi ko iyon matanggap. Nagsialisan na kasi ang mga empleyado sa kumpanya ng malaman nilang na-bankrupt na ito at dahil si Trinity na ang pumalit sa akin sa pagiging CEO ay isa rin iyon sa naging dahilan kaya nag-alisan na ang mga empleyado. Sinabi kasi ni Bryce sa akin na wala man lang pakialam si Trinity sa mga empleyado. Bukod pa dun ay pinabayaan lang ni Trinity ang kumpanya kong bumagsak dahil hindi niya na naman ito inasikaso. Hind

