Chapter 51: Hurt SERENITY VALENTINE'S P.O.V Hindi agad kami nakapagsalita nila Ivy at Bryce dahil hindi naman namin inaasahan na maririnig ni Axl ang usapan namin tungkol sa sakit ko. Bigla na lang kasing nanlabo nang tuluyan ang paningin ko kanina ng magising ako at medyo humihina na rin ang pandinig ko. "S-Serine, totoo bang may sakit ka? A-anong sakit ang tinutukoy ng mga kaibigan mo, huh?" nag-aalalang tanong ni Axl sa akin saka ako nilapitan. Bigla na lang tuloy akong nakaramdam ng guilt dahil alam kong hindi siya masayang marinig ang tungkol sa kalagayan ko at dahil nabisto na rin naman kami ni Axl ay naisip ko na mas maigi sigurong sabihin ko na lang ang totoo sa kanya. "Guys, pwede bang iwan n'yo muna kami? Kakausapin ko lang si Axl. Bumalik na lang kayo mamaya kapag tapos na

