Chapter 44: Unhappy THIRD PERSON'S P.O.V Nang tuluyang naiwan mag-isa si Trinity sa parking lot ay napasigaw siya sa inis at galit niya. Hindi matanggap ni Trinity na ganun ang pagturing ni Zach sa kanya dahil ang inaaasahan ni Trinity ay luluhod ang lalaki pabalik ulit sa kanya. At dahil dun ay mas lalong nagtagis ang bagang ni Trinity. Bukod pa dun ay napangatngat pa si Trinity sa kanyang hinlalaking kuko dahil sa pag-iisip. "Hindi! Hindi ako papayag na maging masaya sila! Matapos nilang sirain ang buhay ko? H-hindi ako papayag na sumaya sila! Hindi!" mariing sabi ni Trinity sa sarili saka napasabunot pa sa kanyang buhok dahil sa inis. Agad na sumakay papasok si Trinity sa kanyang sasakyan saka niya iyon sinimulang imaneho. At habang nasa kalagitnaan siya ng pagmamaneho ay hindi

