Chapter 45: Accept SERENITY VALENTINE'S P.O.V "Tapos ka na bang magbihis?" nakangiting tanong ni Ivy sa akin pagkalabas ko ng kwarto ko. Nang nalaman kasi ni Ivy na ngayong araw na ako magsisimulang magtrabaho ulit sa opisina ay maaga siyang pumunta sa condo unit ko para tulungan akong maghanda sa pagpasok ko. Si Bryce kasi ay abala sa office works namin kaya naman hindi na siya nakadaan sa condo ko. Sinabi ko na lang sa kanya na magkita na lang kami sa kumpanya pag natapos na ang meeting niya sa mga clients niya. "Oo, tapos na ako magbihis. Salamat sa pagtulong sa akin, Ivy." nakangiting sagot ko naman kay Ivy. Pagkatapos nun ay sabay naman kaming lumabas ni Ivy ng condo unit ko para magpunta sa parking lot. Nagpasiya din kasi si Ivy na ihahatid niya ako papasok sa kumpanya dahil na

