Chapter 32: Miscarriage THIRD PERSON'S P.O.V "What happened to our daughter?!" Trinity's mom ask. Nakita rin ni Zach na namamasa ang mga mata nito dahil pilit nitong pinipigil na huwag maiyak. Hindi naman makasagot si Zach dahil alam niyang magagalit ang mga ito. "Zachary tinatanong ka namin! Anong nangyari sa anak namin at kinailangan niyang isugod sa hospital?" mariing tanong naman ng ama ni Trinity. Napalunok si Zach bago nakasagot. "She fell of the stairs. She bled so I quickly send her to the hospital." pagkatapos ay napayuko na lang si Zach. "What do you mean?! Ibig mo bang sabihin na pwedeng makunan ang anak namin dahil sa nangyaring pagkakahulog niya sa hagdan? Isa pa bakit naman siya mahuhulog?! Anong ginawa mo para mangyari iyon sa kanya?" nagsisimula ng magalit ang ama ni T

