Chapter 31: Miserable THIRD PERSON'S P.O.V At dahil sa napanaginipan ni Zach at sa nangyaring pag-alis ni Serenity ay nagpasiya na lang siyang magpalipas ng gabi sa bar na pagmamay-ari. Gusto niyang magpalamig ng ulo para na rin makalimot sa sakit na nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Agad na umalis si Zach sa mansyon at saka nagmamadaling minaneho ang sasakyang pinahiram ng kaibigan niya sa kanya papuntang Loud Skies Bar. Wala pang ilang sandali ay nakapagparada na kaagad si Zach ng sasakyan sa harapan ng bar niya. Yumuko lang ang guard kay Zach habang siya naman ay tinanguan lang ito bilang tugon. Nang makapasok na nang tuluyan sa loob ng bar si Zach ay dumiretso siya kaagad kung saan palaging tumatambay na VIP room table ang mga kaibigan niya. Pagkapasok niya pa lang ng sili

