Chapter 41: Rejection THIRD PERSON'S P.O.V "Axl, pwede bang makinig ka muna sa sasabihin ko? Gusto ko kasing malaman mo ang totoong dahilan ng pagpunta ko rito," seryosong sabi ni Serenity sa lalaki para matigil ito sa pagluha. Tumango naman si Zach saka umayos ng upo sa tabi ni Serenity. Huminga muna ito nang malalim para kumalma at nang muling bumaling ito kay Serenity ay napalunok pa ang babae bago ito nagsimulang magpaliwanag. "Una sa lahat alam kong umaasa ka ngayon na magkakabalikan tayo dahil bumalik ako ng pinas para makausap ka ulit. Ngunit mali ka ng akala, Axl. Hindi ko bumalik dito para makipagbalikan sa'yo dahil gaya ng desisyon ko noon ay makikipag-divorce pa rin ako sa'yo ngayon," seryosong sabi ni Serenity kaya nalaglag kaagad ang panga ni Zach. Agad na napahilot

