Chapter 42: Work SERENITY VALENTINE'S P.O.V Nakarating naman kami agad ni Axl sa condo unit address na tinext sa akin ni Bryce. Sakto naman na tapos ng asikasuhin ni Bryce ang condo unit na pinabili ko sa kanya. Nang makahinto kami sa harap ng condo unit building ay nakita kong lumabas si Axl sa sasakyan saka niya binuksan ang pintuan ng sasakyan sa harap ko pagkatapos ay inalalayan akong bumaba sa sasakyan. Pagkalabas ko ng sasakyan ay naramdaman kong hinawakan naman ni Axl ang kamay ko. Nakita ko pa siyang seryosong nakatingin sa akin bago nagpasiyang magsalita. "Dito ka na ba nakatira?" seryosong tanong niya sa akin na tinanguan ko naman. "Edi pwede kitang puntahan dito anytime? Here's my phone number in case nagbago ka nang phone number. Text me your unit number para pagpunta

