ALAS-DOSE na ng gabi bumalik si Athena sa kuwarto niya. Inaasahan niya na madadatnan niyang tulog si David ngunit nagulat siya nang maabutan itong nagbabasa ng libro. Ang paborito niyang fiction book tungkol sa isang wolf na umibig sa isang tao. “Bakit hindi ka pa natutulog?” tanong niya rito. “Pinatulog mo ako nang matagal ‘tapos gusto mo ulit akong patulugin?” sarkastikong sagot nito. Napatingin siya sa mesa. Naroon pa rin ang pagkain at hindi nito ginalaw. “Bakit hindi ka kumain?” tanong na naman niya. “Papatayin n’yo rin naman ako, so bakit pa ako kakain?” anito. Nakatingin lang ito sa binabasa nito. Hiniklas niya ang librong hawak nito. Awtomatikong pinukol siya nito ng mahayap na titig. “Wala akong balak patayin ka at lalong walang sino man dito ang puwedeng pumatay sa ‘yo,” an