Chapter Five

2631 Words
NALIGO muna si David bago magluto. May ilang minuto nang nakatutok ang hubad niyang katawan sa shower. Walang ibang laman ang isip niya kundi si Athena. Nilamon na ng presensiya nito ang buong sistema niya. Mabuti nakukontrol pa niya ang sarili niya kanina habang binibihisan niya ang dalaga. Damn! She’s f*****g hot! Sigaw ng isip niya. Nai-imagine niya ang magandang katawan ni Athena. Madalas niyang nakikitang nakasuot ng jacket ang dalaga at medyo maluwag na damit kaya hindi niya masyadong napansin ang ka-sexy-han nito. Ayaw niyang i-assume na pinagnanasaan niya ang dalaga pero doon na siya patungo. Alam niya hindi basta-bastang babae si Athena. Alam din niya na hindi ito madaling makuha. Hindi pa naman siya nagmahal nang totoo kaya wala siyang ideya kung paano malalaman kung hibang na siya sa pag-ibig. Ayaw din niyang i-assume na nagkakagusto siya sa dalaga. Hindi rin siya naniniwala sa love at first sight. Lust at first sight, maari pa. Pagkatapos niyang naligo ay pinagmasdan muna niya ang damit na binigay ng dalaga. Parang baliw na inamoy-amoy muna niya ang panty. Hindi siya sigurado kung nagamit na iyon ng dalaga pero kinatuwaan niya iyong amuyin. Amoy bago pa. “s**t! What the hell are you doing, David?” Kinagalitan niya ang sarili. Nang makapagbihis ay dumeretso siya sa kusina. May stock na karne ng manok sa refrigerator at mga gulay. Adobong manok lang ang naisip niyang lutuin. Mabuti mayroong patatas. Natoto siyang magluto simula noong nagso-solo na lang siya. Habang pinapalambot ang karneng frozen ay sinilip niya si Athena. Nakatulog na ito. Pasado alas-nuwebe na ng gabi nakaluto si David. Dinala niya sa kuwarto ni Athena ang pagkain. Malakas ang pandamdam nito at pandinig. Kahit mukhang tulog ito ay naramdaman nito ang pagpasok niya. “Kumain muna tayo para deretso na ang tulog mo,” sabi niya rito. Umupo naman ito. Umupo siya sa tabi nito at inilapit dito ang plato ng pagkain. Akmang susubuan niya ito ngunit pinigil nito ang kamay niya. “Hindi ako paralisado,” seryosong sabi nito. “Huwag ka masyadong gumalaw, baka dumugo ang sugat mo,” aniya. “Mababaw lang ang sugat. Hindi na nga masakit. Kumain ka na lang.” Ibinigay na lamang niya rito ang plato nito. Lumipat siya sa silya sa tapat ng bed side table saka kumain. Hindi niya masaway ang sarili na sulyapan ang dalaga. Minsan pa’y nagkasalubong ang mga titig nila. “What?” masungit na tanong nito. Ngumiti siya sabay iling. “Wala,” sagot niya saka siya nagpatuloy sa pagsubo. Mabilis natapos kumain si Athena. Nagulat siya. Dinaig pa siya nito. “Tapos ka na ba?” manghang untag niya. Inilapag na nito ang plato sa mesa. “Oo,” tipid nitong sagot. “Ang bilis mo namang kumain.” “Sa military, hindi puwedeng mabagal kumain,” anito. Nawindang siya. “You mean you’re a soldier?” “Yes, but I’m not active in service. I chose to work as private army of retired general and leader of Dark Shadow Organization. Ang organisasyon ay may layong puksain ang mga lobong naninirahan sa lugar na ito since 1970’s. Katuwang ng organisasyon ang mga militar at pulisya sa misyong ito, so don’t think that our operation is illegal. Pero bago ako nag-focus sa grupo, limang taon akong nasa serbisyong militar. Nakapagtapos ako sa Philippines Military Academy,” kuwento nito. “Wow!” tanging komento niya. Ngayon ay alam na niya kung bakit maabilidad sa pakikipaglaban ang babaeng ito. Pakiramdam niya’y naapakan ng propesyon nito ang p*********i niya. “Saan kayo kumukuha ng budget? Sa gobyerno?” usisa niya. “No. Binabayaran lang kami ng gobyerno kapag mayroon silang pinapagawang misyon na related sa pangangailangan ng bansa. May offer na budget sa amin pero tinanggihan ng boss ko. May malawak na farm at malalaking pabrika sa iba’t-ibang panig ng bansa ang boss ko. Doon niya kinukuha ang pundo. Mayroon din siyang sariling guns store at ballistic laboratory. Halos lahat naman ng nagtatrabaho sa kanya ay boluntaryong pumasok sa kagustuhang makatulong na mapuksa ang mga lobo.” “Wala akong narinig na balita tungkol sa mga lobo,” sabi niya. “Dahil hindi ka nag-stay ng matagal dito. Ilang taon ka pa lang bang naglagi rito?” “Actually I started to work in hospital last month. Pagkatapos ng residency ko sa isang ospital sa California ay bumalik na ako rito. Nakuha ko ng five years ang surgical residency ko. I had specialized vascular surgery. I passed the US Medical Licensing Examination. Then I tried to explore here,” kuwento niya. Biglang tumahimik ang dalaga. Mamaya ay tumayo ito. Sinundan niya ito ng tingin. “Basang-basa ba ang towel ko na ginamit mo?” pagkuwan ay tanong nito. “Not really. Don’t say maliligo ka,” aniya. “Nangangati ang katawan ko. Hindi ako nakakatulog nang maayos kapag hindi nakakapag-shower.” “Huwag mong basain ang ulo mo. Maligamdam na tubig ang ipaligo mo. Gusto mo bang ipag-init kita ng tubig?” “No need.” Lumabas na ito. Pagkatapos niyang kumain ay dinala na niya sa kusina ang pinagkainan nila saka hinugasan. Saktong paglabas niya ng kusina ay kalalabas din ni Athena mula sa banyo na katabi lamang ng kusina. Binalot lang ng tuwalya ang hubad nitong katawan. Nag-abala pa itong humarap sa kanya. “Doon ka na sa kuwarto ko matulog,” sabi nito. Napamata siya. “What? Okay naman ako rito sa labas. Hihiram lang ako ng kumot,” aniya. “Hindi ka puwedeng matulog dito sa labas. Baka biglang dumating ang partner ko at makita ka. Huwag kang mag-alala, may folding bed ako,” sabi nito saka tuluyang pumasok sa kuwarto. No choice siya. Tumambay muna siya sa labas bago kumatok sa pinto ng kuwarto ni Athena. Nakapagbihis na ito nang pagbuksan siya ng pinto. Awtomatikong bumaba ang tingin niya sa katawan nito na tanging manipis na puting roba ang suot na abot hanggang hita ang laylayan. “Ready na ang folding bed, puwede ka nang matulog,” sabi nito. Pumasok siya nang tuluyan at tiningnan ang folding bed na nakalatag sa gawing paanan ng kama. Mas maluwag kasi ang space roon. Mayroon din siyang unan at kumot. Humiga na rin sa kama ang dalaga. Siya na ang nag-off ng ilaw. Tanging lampshade na lang ang nagsisilbing liwanag. Humiga na rin siya. Naalala niya, hindi siya sanay matulog na hindi nakapagsipilyo kaya pinakialaman niya ang nakita niyang toothbrush sa kusina. May dalawang toothbrush doon pero ang kulay pink ang ginamit niya. Blue kasi ang isa. Natitiyak niya na kay Athena iyong pink. Pero bago niya ginamit ang toothbrush ay ibinabad muna niya sa mainit na tubig. Mayoon din kasi siyang nakitang toothbrush sa banyo na kulay pink at may nakasulat na pangalan ni Athena, kaya naisip niya na toothbrush din nito ang nasa kusina. Ang dami niyang naiisip kaya hindi siya madalaw-dalaw ng antok. MABILIS na ginupo ng antok si Athena ngunit may mga senaryong gumugulo sa isip niya. Nakatulugan niya iyon. Hinahapong tumatakbo si Athena ngunit tila hindi siya umaalis sa kinatatayuan niya. Nakita niya ang kanyang mga kasama na sinalakay ng mga lobo. Namataan niya ang isang halimaw na lobo na may katawang tao. Papalapit ito sa kanya. Binaril niya ito ngunit hindi ito tinatabalan ng bala. Gusto niyang tumakbo ngunit hindi siya makaalis, hanggang sa maabutan siya ng halimaw at sinakmal sa leeg. Bumalikwas ng upo si Athena. Hinahapo siya. Bigla namang tumayo si David at dagli siyang nilapitan. Umupo ito sa kanyang tabi at hinaplos ang kanyang pisngi. “Are you alright?” nag-aalalang tanong nito. Tumitig siya sa mga mata nito. Hindi siya makapagsalita. “Nanaginip ka ba ng masama?” anito. Hindi pa rin siya kumibo. Nang ilang sandaling magkatitig ang mga mata nila ay nakadama siya ng hindi maipaliwanag na emosyon at biglang sumikdo ang kanyang puso. Bigla ring nanahimik si David. Ang nag-aalalang titig nito sa kanya ay nahalinhan ng malagkit at uhaw na mga tingin. Kumikilos ang kamay nito sa kanang pisngi niya hanggang gumuhit ang hinlalaki nito sa bahagyang nakaawang niyang bibig. Ang init na nagmumula sa palad nito ay unti-unting dumadalantay sa kanyang mga ugat. Hindi niya namalayan ang paglapit ng mukha nito sa kanyang mukha. Ang kamay nitong iyon ay dumako sa batok niya. Hindi siya nakakibo nang damhin ng labi nito ang kanyang mga labi. Nang marahang kumilos ang labi nito ay tila may taglay iyong bayolenteng init na unti-unting tumutupok sa kanyang buong sistema. Sandali nitong inilayo ang labi sa kanya habang lumalalim pa at nagiging kakit-akit ang titig nito sa kanya. Nang muli nitong ilapat ang labi sa kanyang mga labi ay hindi niya napigil ang kanyang sarili na tuluyang ibuka ang kanyang bibig at sakupin ang itaas nitong labi. Naging mitsa iyon nang biglang pangangahas ng mga labi nito. Ang mahinhin nitong paghalik ay nagiging marubrob at mapaghanap. Tuluyang inalipin ng nakakahibang na init ang kanyang kaibuturan. Naramdaman niya ang isang kamay nito na inalis sa pagkakatali ang kanyang roba. Hindi rin niya nasaway ang kanyang kanang kamay na humahaplos sa matipuno nitong dibdib. Hindi niya masabayan ang kilos ng mga labi nito. Malayang nahimasok ang munting panlasa nito at kinatagpo ang sa kanya. Dahandahan nitong ibinaba ang kanyang roba. Hindi nito nakalimutan ang sugat niya. Pagkuwan ay dumako ang kamay nito sa kanyang likod at nakalas ang lock ng kanyang bra. Iniwan nito ang kanyang labi at pinaglakbay ang mainit nitong bibig sa puno ng kanyang tainga-pababa sa puno ng kanyang leeg. Natagpuan naman ng kamay niya ang laylayan ng damit nito saka iyon itinaas. Tinulungan pa siya nitong mailusot sa ulo nito ang nito. Nang tuluyang lumaya ang dibdib nito sa saplot ay marahan niyang hinaplos ang bawat bahagi ng kalamnan nito. Umigtad siya nang ibalik nito ang labi sa kanyang leeg. Inalalayan nito ang kanyang likod pahiga sa kama. Nagtagpo muli ang mapupungay nilang mga mata. Pagkuwan ay ipinaglakbay nito ang mainit na bibig sa kanyang leeg-pababa sa kanyang dibdib. Impit siyang humalinghing nang sakupin ng bibig nito ang kanyang dungggot. Humubog naman ang isang kamay nito sa isang bahagi ng mayaman niyang dibdib. Kumapit ang kanang kamay niya sa batok nito. Pakiramdam niya’y nagtataglay ng apoy ang bibig nito na nag-iiwan ng nakakahibang na init sa kanyang balat. Ilang sandali pa’y dumausdos ang bibig nito pababa sa kanyang puson. Dumapo na rin doon ang kamay nito na marahang hinila pababa ang nalalaking panloob niya. Pumagitan ang kanang kamay nito sa mga paa niya. Hinuhubog nito ang kanyang mga hita, hanggang sa umakyat ang kamay nitong iyon sa kanyang kaselanan. Napasinghap siya nang damhin ng kamay nito ang pagitan ng kanyang p********e. Sumampa na rin ito sa kama at tuluyang natagpuan ng mainit nitong bibig ang maselang parte ng kanyang p********e. Pinagbukod pa nito ang kanyang mga hita at malayang natagpuan ng munting panlasa nito ang kanyang kuntil. “Uhmmm…” Tuluyang lumaya ang kanyang halinghing. Napapaigtad siya sa tuwing hagurin ng panlasa nito ang kanyang kaselanan. Nakadagdag sensasyon ang pagdaiti ng katutubong balbas nito sa kanyang balat. Hindi niya napigil ang sariling mapasigaw dulot ng nakakabaliw na sarap. Makalipas ang ilang sandali ay naglakbay na naman ang bibig nito paakyat sa kanyang dibdib. Doon niya naramdaman ang pagdaiti ng ibabang bahagi ng katawan nito sa pagitan ng kanyang mga hita. Naramdaman niya ang kahubaran nito, lalo na ang kahandaan ng sandata nito. Nang umakyat muli sa kanyang leeg ang labi nito ay nadama niya ang paghahagilap ng alagad nito sa mapapasukan. “Please, ignore the pain, it’s just temporary. Mas masakit ang tama ng bala,” pilyong sabi nito nang ibalik ang titig sa kanyang mga mata. Nakatitig lamang siya rito. Muli nitong pinasadahan ng halik ang kanyang leeg, kasabay ng unti-unting pag-angkin nito sa kanya. “Agh!” daing niya, nang tuluyan itong mahimasok sa kanyang kaselanan. Pumiglas siya ngunit napigil niya ang kanyang lakas nang uti-unti ay ginugupo ng nakakahibang na init ang buong sistema niya. Sunod-sunod ang pagdaing niya nang magsimulang umulos sa kanya ang binata. Pinawi ng sarap ang hapdi at kirot na nadarama niya. Habang tumatagal ay lalong bumibilis at lumalakas ang pag-ulos sa kanya ng binata. Maging ito ay nagpapalaya na rin ng hibang na tinig. Hindi na maramdaman ni Athena ang presensiya ng paligid. Ginupo na siya ng matinding init at walang kawangis na kaligayahan. Napalakas ang halinghing niya nang abutan siya ng kanyang orgasmo. Ilang sandali lamang ay narinig niya ang matinding hangos ni David kasabay ng walang espasyong pag-ulos nito sa kanya. Mamaya pa’y naisigaw nito ang tagumpay sa pagkamit ng sarili nitong orgasmo. Dagli nitong binawi ang sandata mula sa kanya at pinalaya ang mainit na likido sa kanyang puson. Nakadama siya ng frustration nang inakala niyang hanggang doon na lamang sila magtatapos. Hirap pa rin siyang kontrolin ang kanyang katawan. Nagulat siya nang Damhin ng kamay nito ang kanyang p********e. Naramdaman niya sa kanyang hita ang buhay pa ring p*********i nito. Pagkuwan ay bahagya nitong iniangat ang kanyang mga hita saka ito pumagitan doon. Akmang hahawakan niya ito sa braso ngunit pinigil nito ang mga kamay niya. “Don’t move, your wound,” paalala nito sa kanya. “Ahh,” daing niya nang muling mahimasukan ang sandata nito sa kanya. Hinawakan nito ang magkabilang hita niya saka bumayo nang mabilis ang katawan nito. “Oohhh… ohh…” ungol nito habang may gigil sa mukha nito na dalhin siya sa ibang posisyon ngunit ramdam niya ang pagpipigil nito. Marahil ay naalala nito ang sugat niya. “Damn! I’m getting harder, Athena! I’m sorry,” wika nito sa hinahapong tinig. Bigla siya nitong inakay paupo. Nakaalalay ang mga kamay nito sa likod niya. Saka ito umupo habang kandong siya. Iginiya nito ang kanyang katawan sa pag-angat-ibaba sa kandungan nito. Nakadama siya ng sakit ngunit nang makita niya’ng napapapikit ang binata ay kusa nang umindayog ang kanyang katawan. Itinukod niya ang mga kamay sa dibdib nito. Umigtad siya nang sumubsob ang mukha nito sa kanyang dibdib. Lumasap ang mainit nitong bibig sa kanyang dunggot, habang ang mga kamay nito’y mariing humahagod sa kanyang likod. “Uhhhh… uhmmm…” walang humpay na halinghing niya. Hindi na niya magawang limitahan ang kanyang galaw. At sa ikalawang pagkakataon ay kinatagpo niya ang sukdulan ng kanyang pagnanasa. Nang dumalang ang kilos niya ay muli siyang inihiga ng binata ngunit pinihit siya nito pabalagbag sa kama saka ito bumaba at hinila siya. Pumagitan ito sa kanyang mga hita at muli siyang inangkin. Itinaas nito ang mga hita niya saka ito umulos nang tudo. Pagkuwan ay itinukod nito ang mga kamay sa kama saka mabilis na kumilos. Ramdam niya ang pagsusumikap nito na makarating sa sukdurin. Makalipas ang ilang sandaling pagsusumikap ng katawan nito ay muli niyang narinig ang sigaw nito kasabay sa pag-ahon ng sandata mula sa kanya. “Ohh s**t!” daing nito. Nag-abala pa itong ibalik siya sa maayos na pagkakahiga. Akmang tatalikuran siya nito ngunit hinawakan niya ang kaliwang kamay nito. “Where you going?” tanong niya. Hindi siya nito hinarap. “Matutulog sa folding bed. I can’t sleep beside you. Baka hindi ko makontrol ang sarili ko,” sabi nito saka pilit binawi ang kamay. Pinagmamasdan lang niya ito habang nagbibihis. Pagkuwan ay humiga na ito sa folding bed. Tumagilid ito patalikod sa kanya. Isinuot na lamang niya ang kanyang roba at nagkumot. Noon lamang niya dinamdam ang kirot dulot ng pagkasira ng kanyang pagkabirhen. Ngunit wala siyang makapang pagsisisi sa kanyang puso. May ilang oras din ang nakalipas bago siya tuluyang ginupo ng antok.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD