DALAWANG araw hindi lumabas ng unit si Athena. Nagkukulong lang sila ni David at tinuturuan siya ng mga gawaing bahay. Pero kahit inaaliw niya ang sarili, iniisip pa rin niya ang pagbabago ni David. Napansin niya na palagi itong inaantok. Mas mahaba ang oras ng tulog nito. Pagkatapos nilang mag-almusal ay tumambay sila sa sala at nanonood ng pelikula sa laptop nito. Wala pang isang oras silang nakaupo ay namataan niya itong tulog sa tabi niya. Nalaglag na ang ulo nito sa kanang balikat niya. Pinabayaan niya ito. Inalalayan lamang niya ito pahiga habang nakaunan sa mga hita niya. Hindi na niya tinapos ang pinapanood niya. Sinabayan na rin niya sa pagtulog si David. Nagising lang muli si Athena nang biglang nangawit ang mga binti niya. Tulog pa rin si David habang nakaunan sa mga hita niy